I express: Confession of a frustrated writer
I can say that writing is my greatest forte.
I can’t sing, I can’t dance and I can’t even act. Since grade school when I have started to red, nagkapassion na ko sa mga pocketbooks o kahit anong nobela, mapa adult book man o story book.
Then when I reach the fourth grade, mas binibigyan kong pansin ang literature column sa school newspaper namin kesa sa mga headlines o iba pa.
And then I started to draft a short poem. Na inspired ako sa nabasa kong tula about flowers growing in the garden so I created my own poem about flowers, too. Ni recite ko pa nga yon in front of the class tapos tinanong nila ako saan ko daw nakuha yung poem. Ang sabi ko, ginawa ko lang yun at syempre may maririnig kang, Weh??!
Okay lang at least I know the truth that it was created by me!
One of the greatest regret ko siguro sa buhay is when I didn’t give a try on writing to our school newspaper.
Shyness and cowardice lead me that time.
Medyo lack kasi ako noon sa self confidence.
When I entered high school, I tried. Kinaibigan ko pa nga yung isang distributor sa newspaper namin kaya lang hindi pa rin ako binigyan ng chance kasi nasa lower section daw ako.
Pilot section lang daw ang pwedeng magsulat. Discrimination you may call that pero sige okay lang din.
Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako nilagay sa lower section gayong mataas naman ang average ko. Studious kaya ako dati. Para kasing nagdrawlats ang school management noon.
Imagine from section 5, nilagay ako sa section 20. To the point na kasama pa ako sa top 10 nun ha!
Hay, buhay public school nga naman. Ang swerte talaga ng pangalan ko at napiling ilagay sa lower section.
Anyway, nakamove on na ko. Past is past tsaka masaya naman ako sa naging section ko kasi marami akong naging kaibigan.
Back to my issue, since hindi nga ako nabigyan ng pagkakataon na makapagsulat noon sa aming school paper, I have just wrote down all my creations to my notebooks. Naging hobby ko ang pangongolekta ng iba’t ibang notebook kasabay ng pagkahumaling ko sa mga salitang umiikot sa imahinasyon ko at sa kalaunan ay naging mga tula, maikling kuwento at mga sanaysay.
This is my passion. I thank God for giving this strength to me. Hindi man ako nabigyan ng pagkakataon noon na makapag sulat sa mga school papers, salamat na rin dahil marami akong notebook na nasulatan. Short stories, novels, essays, poems, short scripts, etc.
Naging fond din ako sa pag da diary. Kasi sa pagsusulat, nailalabas ko lahat ng saloobin ko.
Naalala ko pa nga noon, sobrang galit ako kay papa, naisulat ko sa isang papel lahat ng gusto kong sabihin sa harapan niya ngunit hindi ko magawa, tapos nabasa ng classmate ko, grabe daw yung script na sinulat ko, galit na galit daw talaga.
Since I grew-up hiding all the pains I felt, writing has become my best buddy. Ito ang naging karamay ko sa bawat unos at kasama ko sa kasiyahang napagdadaanan ko.
Hindi naman ako autistic na notebook at ballpen lang ang kasama ko sa aking mundo.
Lumaki pa rin naman akong katulad ng isang ordinaryong babae. May mga kaibigan, kamag-anak, mga kaklaseng nakakasalamuha ko sa araw-araw.
Dumating din sap unto ng buhay ko ang first love, mga crushes, puppy love at pagiging broken hearted. Pati mga problemang pampamilya, napagdaanan ko rin lahat yan.
At sa bawat pag-inog ng aking mundo at paglipas ng panahon kasabay ng pagdagdag ng aking edad taon-taon, isa ang pagsusulat sa naging kaagapay ko.
Hindi man ito ang karerang tinahak ko, masaya pa rin ako that every step of my life, I put it down on a piece of paper.
Imbes na journalism o creative writing ang dapat na kursong kinuha ko dahil nga sa pagsusulat ang hilig ko, I just pursue a business course. Kasi para sa akin, it would only be fun, if writing is just my hobby. Para siyempre di ba, at the end of the day, after meeting the deadlines, at stressful na buhay corporate world, may mapagbabalingan ka ng mga hinaing mo sa buhay, and for me that is writing.
(to be continued….)
No comments:
Post a Comment
:)