> Nomadic at Puso: Confession part 2

Wednesday, January 23, 2013

Confession part 2

Confession Part 2:

Ang pagsusulat ko ay parang isang sakit. Kung kailan ito umaatake, doon lang ako sisipagin.
Minsan everyday, minsan naman once in a blue moon. Kahit sa pagsusulat ko ng isang nobela, for quiet some time, it took me two years para mawakasan ito. Pero sa totoo lang para sa akin, wala pa talaga siyang ending.  And I also feel na parang may kulang pa sa mga detalye niya.
Oh diba katok lang.
Minsan sobrang eager ako magsulat, na parang feeling ko yun lang ang gusto kong gawin buong araw,. Pero minsan naman, mental block, nganga.
Para siyang allergy, pag kinati ang mga palad ko, go! Magsusulat at magsusulat ako.
Pero madalas ganito ang mga eksena eh, kaya karamihan sa mga gawa ko (except for poems) eh nakatengga.
1.     Madaming time, walang maisip isulat.
2.   Walang time, daming maisip isulat.
So, ironic huh.
3.    May time, may gustong isulat, tinatamad!
4.    Hindi inspirado. Kaya nga para sa akin, isa itong sakit. Kapag hindi ako inspired, hindi ito umaatake.
Wala eh, ganito talaga ako. Kaya ayun ang dami kong nakatenggang nobela.
Hehe..
If something new blows up my mind, ayun at napaka-eager akong simulan iyon, pero once na itigil ko na ang pagtipa sa keyboard, alam na ang kasunod… Nganga!
Siguro sa sandaang nasulat kong drafts, iisa pa lang ang tapos.
Magdadalawa na pala  kapag natapos ko na itong isang ginagawa ko.
Patapos na siya, promise!

PSICOM
One of the best publishing companies I’ve ever loved.
Sobra akong naging fan ng mga librong inilalabas nila. I even tried to collect some of those, pero dahil sa marami akong pinsang pakialamera at adik din sa libro na kagaya ko. Ayun, missing in action na ang lahat.
Mahirap kasi maging mabait, eh. Yung tipong bigay ka lang ng bigay, pahiram ka lang ng pahiram, in the end kapag ikaw na ang nangailangan… Wala na!
Anyways, back to the topic.
I tried to submit some of my creations through e-mail sa PSICOM at awa naman ng Diyos, wala pa ring feedback!
Hehe, okay lang yon! It won’t stop me from writing! J
Kahit ilang rejections pa ang dumating sa buhay ko I will never fail to try and try until I succeed! That’s the fighting spirit!
And besides, writing is a hobby for me, not a business.
Pero sabi ng utak ko, “Weh! Plastic!”
Actually, I really dreamed to be an official writer, you know, with a published book at bonus nalang kung maging bestseller iyon.
I even dreamed na sana ito nalang ang propesyon ko pero dahil sa maraming bagay-bagay, I just kept it as my secret, deepest passion in life.
Never lose hope and never lose faith, keep the fire burning, yan ang motto ko..
Hangga’t hindi ko pa natutupad ang mumunti kong pangarap, I won’t stop writing..

And this is my confession..
I am a frustrated writer.

(To be continued…..)

No comments:

Post a Comment

:)