> Nomadic at Puso: Short love story2

Saturday, January 19, 2013

Short love story2



And this one was also created by me! :)
Enjoy reading! 
First Love vs. Last Love
(John and Ching)

This story begun when he met the love of her life, si Ching. Nagkayayaan ang barkada ko nun sa Tagaytay at isinabit ko ang dalawa kong kapatid na si Kuya John at Jigger. Isinama naman ni Vince si Ching. Siya ang taong nag-alaga kay Vince nung naaksidente sila ni Lieu on the way to Baguio. Matagal na nawala ang memorya ni Vince during that time at si Ching kasama ng pamilya nito ang umalalay sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang gumaling at bumalik ang ala-ala niya.  Here the story goes…
---- Intro by JM : )
--------------------------------------------------

( An excerpt from the Novel, After All by Shinaya Waara : )

“Bakit mag-isa ka na lang?” nagulat pa ako ng may magsalita sa tabi ko.
Isang lalaki ang nakita ko. Sa pagkakatanda ko eh kuya siya ni JM.
Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya. Ganon ba kalalim ang iniisp
ko para di siya mapansin?
“Ikaw si???” kunot-noong tanong ko.
Di ko kasi matandaan ang pangalan niya.
“John” sagot nito at inilahad ang kamay.
“Just call me Ching” pakilala ko din at tinanggap ang pakikipag-kamay niya.
“Bakit mag-isa ka nalang? Nasaan yung kasama mo?”
Nagtatakang napatingin ako sa kanya.
“How did you know na may kasama ako kanina? Don’t tell me pinagmamasdan
mo ako?”
Kibit-balikat lang ang isinagot nito sakin. So basically I was right.
“Bakit mo ako tinitignan?” tanong ko.
“kailangan bang laging may dahilan? Hindi ba pwedeng gusto ko lang?”
“Pwede naman”
Mula sa kinauupuan nila ay dinig nila ang tawanan ng mgakakaibigan.
“Ang saya nila noh?” sabi ko kay John.
Napatingin naman si John sa mga ito.
“Yeah…mga bata palang sila ganyan na kagugulo ang mga iyan. Thankful nga
ako at nagkaroon si JM ng mga tunay na kaibigan eh.”
“Matagal mo na ba silang kilala?”
“Medyo…mula ng maging kaibigan sila ni JM”
“Eh si Aya? Anong klaseng tao ba siya?” curious na tanong ko.
“Si Aya? Hmmmm…ang masasabi ko lang eh napakabait niyan. Siya yung
bestfriend ni JM kaya mas nakilala ko siya kasi madalas din tumambay iyan sa
bahay namin noon. Matalino saka maaasahan. True friend talaga”
Napatango nalang ako. Mukhang nasa mabuting kamay naman pala si Vince eh.
“bakit interesado ka kay Aya? Don’t tell me lesbian ka?”
“of course not!!” mariing tanggi ko. Todo iling pa talaga.
“Mabuti kung ganun. Sayang ka kung magiging lesbian ka”
“Curious lang ako..saka ang ganda niya noh? Nakakainggit siya.. I’m sure
maraming girls na naghahangad na maging katulad ni Aya” (Isa na ako dun)
Napailing si John.
“Aya maybe famous and pretty but she’s just also a normal girl. Nasasaktan at
umiiyak. Hindi naman siya bato. May mga pagkakamali din siya. Hindi siya
perpekto. Pero sa lahat g iyon nagagawa niya pa din maging matatag. Dun ako
bilib sa kanya.”
Natahimik ako.
“hindi mo naman kailangang gayahin ang ibang tao eh..you just have to be
yourself…oo nga at may mga bagay sila na wala ka pero may katangian ka
naman na wala sila.”
Napatingin ako sa kanya. Ang galing niya naman mag-advice.
Nakakahanga.
“Teka..may asawa ka naba?” biglang tanong ko dahilan para mapatawa siya.
“Akala ko naman seryoso na pinag-uusapan natin. Kung may asawa ako
malamang wala ako dito”
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Atleast walang mang-aaway sakin na
bigla nalang akong susugurin at sasabunutan.
“Eh girlfriend?” napapangiting tanong ko.
Umiling siya. “Wala din eh”
“Bakit naman?” interesadong tanong ko.
“Walang nagkakamali eh” sagot niya pero alam ko namang biro lang iyon.
“Asus!!! Pahumble!! Sa hitsura mong iyan? Naku!! Wag naman sanang ikalalaki
ng ulo mo pero gwapo ka naman eh. Matikas..kaya imposibleng wala kang
girlfriend”
Natawa nalang siya sakin.
“Dati meron. Pero ngayon wala na”
“bakit naman?” (ayan masyado na akong intregera)
“Pinagpalit ako sa matandang mayaman”
“Owww…ouch”
Nagkibit-balikat lang ito.
“Okay lang. matagal na yun. After nun wala na ulit akong naging girlfriend.
Nawalan kasi ako ng time para maghanap pa. busy sa work eh. Saka naniniwala
ako na hindi dapat hinahanap ang love. Kusa iyong darating sa takdang
panahon.”
She could not help but agree.
“Tama ka dyan…kasi minsan natatrapik lang kaya dapat lang maging matyagang
maghintay. Makakasakay ka din sa byaheng pag-ibig.”
Pareho kaming natawa sa sinabi ko.
“Ang corny noh?”
“Yeah..pero totoo”
“Ikaw may boyfriend ka na?”
Napangiti ako.
“Bakit interesado kang malaman?”
“Masama ba magtanong?”
“Hindi naman…wala akong boyfriend”
“ahhh…ahmm..Ching..after natin dito pwede ba kitang ayain lumabas?”
“like a date? Bakit naman?”
“Coz I like to know you better…okay lang ba?”
OMG!!! Mukhang magkakalove-life na din ako sa wakas.
“Sure!!! Ikaw ang bahala.” I couldn’t hide my smile.

----------------------------

Nasundan pa ng maraming dates ang una nilang paglabas and eventually niligawan na rin ni John si Ching.
Minsan siyang isinama ni John sa reunion ng mga college classmates nito.
“John, nahihiya ako. Ikaw nalang kaya pumunta doon, wag mo na akong isama,” tanggi ni Ching.
“ Kinakahiya mo bang kasama ako?”
“Hindi sa  ganon, ikaw nga ang inaalala ko eh. Kasi may kasama kang promdi,”
“So what kung promdi ka? Eh, ikaw naman ang mahal ko. I want to be proud na ikaw ang babaeng napili kong mahalin,”
“Napili kasi no choice ka lang ata eh,” halos pabulong niyang sabi sa sarili.
“Ano yun?” tanong nito.
“Ah- eh, wala..”
“So, sasama ka na ha?”
“Sige na nga. Kulit mo eh.”
-00-
“Hi John!” bati sa kanya ng isang dating kaklase. Maganda ito at sopistikada. Hapit sa katawan ang suot na damit at mukhang mamahalin ang mga gamit nito.
“Oh, hi din Liza!” sagot naman ni John.
Nagulat si Ching ng bigla itong humalik sa pisngi ng binata.
Mabilis na umiwas si John, “Liza, I’m with Ching,” pakilala ni John sa kasama. “Ching, this is Liza.”
“Hi,” matipid na bati ni Ching sa kaharap. But deep inside, sobrang kumukulo ang dugo niya rito.
“So, how’s your life since I’m gone with it?” parang nang-aasar pa nitong tanong kay John.
“Really great..” sagot naman ng binata.
 “I don’t think so..”
“You don’t have to rather. Please excuse us..” iginiya na ni John si Ching papasok sa loob.
“Okay ka lang ba?” tanong nito kay Ching, “pasensiya ka na kay Liza ha.”
“O-oo. Okay lang ako,” sagot niya rito kahit na hindi naman talaga siya okay. Sa totoo lang, kanina niya pa gustong umuwi.
Pakiramdam niya mas bagay ang mga katulad ni Liza kay John. Hindi siya na isang probinsiyana lang at simple lang ang pamumuhay. Sino ba siya para pumasok sa mundo ng mga mayayaman. Sana pala hindi nalang siya sumama kay Vince pagpunta dito sa Maynila. Masaya naman siyang namumuhay sa probinsiya kapiling ang mga alaga nilang baboy, mga pananim, kalabaw at syempre ng kanyang mga magulang. Ayaw niya ng ganito, masyadong kumplikado. Puro sosyalan.
---------------------------------------
Gustong gusto na niyang sagutin si John pero may bahagi ng puso niya ang pumipigil sa kanya. Maybe the idea that John is too good for her, in many ways.
She finally made up her mind.
Minsan silang nag-dinner sa isang restaurant ni John. Medyo nailang siya sa kanyang suot. Imagine, fine dine-in restaurant pero eto siya’t naka simpleng blouse, maong pants  with matching sandals worth sixty pesos ang get-up. Parang mamamalengke lang. Akala niya kasi sa park lang siya dadalhin ng binata tulad nung isang araw.
I don’t belong here. Naisatinig lang ito ni Ching sa kanyang sarili.
“Pwede bang huwag nalang tayo dito?” tanong niya kay John Nag-aalangan talaga siya sa suot niya. Hindi naman kasi nito sinabi sa kanya na sa isang mamahaling restaurant pala siya nito dadalhin. Sana pala hindi nalang siya pumayag na makipagdate ditto ngayon at sa halip ay pumasok nalang sa boutique ng auntie niya para magtrabaho.
“You don’t have to wear elegant clothes para lang bumagay sa lugar na ito. Mukha mo palang, may ilalaban ka na,” sabi ni John sa kanya.
“Kahit na. Sana sinabi mo nalang sa akin na dito pala tayo pupunta,”
“Edi, hindi na surprise yon kapag sinabi ko,”
“Pero  kasi…”
“No buts!” pigil ni John sa mga sasabihin pa sana ni Ching. Na alam naman niyang puro pagtutol lang, “order na tayo..”

Sorry John, pero hindi yata talaga ako bagay sa mundong ginagalawan mo. Simpleng buhay lang ang gusto ko. Kahit mahal kita, hindi ako nababagay sa’yo.  Narealize ito ni Ching. Simula kasi ng lumabas labas sila ni John, nagbago na ang takbo ng buhay niya. Wala na ang dating simpleng siya. Namimiss niya ang buhay probinsiya.
Dapat talaga, after ng outing na iyon sa Tagaytay ay uuwi na siya sa probinsiya at babalik na sa normal niyang buhay pero nabago ang lahat ng makilala niya si John. Ipinakilala siya nito sa mundong ginagalawan nito at sobra siyang nanibago. Hindi ito ang gusto niya. Ayaw niya ng corporate world na kinabibilangan ni John.
Ayaw rin niya ng polusyon ng Maynila, maingay na mga kalsada, gabi na ginagawang araw at maraming krimen. All she wanted is a peaceful life at gusto niya ring maging isang plain housewife,  a perfect home maker indeed. Makaluma na kung makaluma pero iba talaga ang gusto niyo. Malayo sa mga pangarap o future plans ni John.
Pero aaminin niya sa sarili niya na naging masaya siya sa piling ng lalaki kaya nga mas pinili niya ang mag stay sa Manila para makasama ito. But then again, something is wrong. Parang hungkag ang pagkatao niya. Habang hindi pa uli ang lahat, kailangan na niyang tapusin ang kanyang ilusyon.
----------------------------------------------
“Thanks for the night, Ching,” hinalikan pa ni John sa pisngi ang dalagang iniibig. Nasa tapat na sila ng apartment ni Ching.
“Sa-salamat din sa paghatid,” Hindi niya alam kung papaano magsisimula..
“Sige,una na ko. Goodnight,” paalam na ni John.
“John, sa-sandali,” pigil ni Ching dito.
“Ano yun?”
“Uuwi na ako sa amin..Paalam..”
“What do you mean?”naguguluhang tanong nito.
“Babalik na ako sa probinsiya. Hindi ako nababagay rito. Lalo na sa’yo.” Ang sakit sa puso niya habang binibitawan ang mga salitang ito.
“Sino ang may sabi niyan?”
“Na realize ko lang..”
“Hindi mo ba talaga ako mahal?”
Mahal na mahal John! Sobra! Ito ang isinisigaw ng puso niya but she decided to lie. “Hindi kita mahal John. Si Vince pa rin. Siya ang first love ko kaya mahirap para sa akin ang kalimutan siya,” pagsisinungaling niya.
“You’re lying..”
“Hindi…” Hindi ka nagkakamali…
“Pero masaya na sila ni Aya,”
“Alam ko at wala naman akong balak na guluhin sila. Kaya nga ako uuwi ng probinsiya eh para tuluyan ng makalimot at makalayo sa kahit sinong may koneksiyon kay Vince. Kasama ka dun John.” Hindi alam ni Ching kung saan siya kumukuha ng lakas para magsinungaling at magbuhol buhol ng kuwento sa harap ng lalaking pinakamamahal na niya ngayon. Matagal na niyang nakalimutan si Vince. Si John na ngayon ang buhay niya. That’s the truth.
“Bye, John. Ito na ang huli nating pagkikita. Salamat sa lahat at sorry kung matagal kitang pinaasa…” tumalikod na siya rito kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.

----------------------------------------

“Hindi ko alam, ang lakas mo palang uminom Kuya John!” puna ni Jake sa kanyang future brother-in-law.
Nandito siya ngayon sa bar ni Jake and it’s been a month simula ng umalis si Ching pauwi ng probinsiya nito. Gusto sana niyang sundan ito pero para saan pa eh hindi naman siya mahal ng dalaga. Pwede niyang alamin kung saan ito nakatira pero he thinks that he don’t have to. Hindi niya kailangangang ipagpilitan ang sarili niya sa taong ayaw naman sa kanya.
“Ngayon lang…” maiksi niyang sagot.
“Idaan natin sa mabuting usapan hindi sa mabote,” suhestiyon ni Jake.
“Huwag na! Ikuwento mo pa kay JM,”
“Lalaki ako at hindi natin nature ang pagiging tsismoso,” depensa nito.
He decided to confessed, “Ramdam kong mahal niya ako pero bakit ipinamukha niya sa akin na si Vince pa rin and she decided to stay away from me….”
“Give her some time, baka nalilito pa siya sa feelings niya ngayon.”
“What about my feelings? Sobra ko siyang mahal,”
“Don’t lose hope, Kuya. There’s always a reason behind that struggling,” payo ni Jake kay John.
“Thanks for listening bro! And don’t you dare share it to JM,”
Tawa lang ang isinagot nito. Mukhang somehow, malalaman pa rin ng kapatid niya ang totoo niyang pinagdadaanan.
--------------------------------------------

Tanghaling tapat na ay nakahiga pa rin si John. Marahil sa dami ng ininom niya kagabi, kahit buong araw pa siyang matulog ngayon ay okay lang. Weekend naman.
“Kuya!!!!” halos gibain na ni JM ang pinto ng kuwarto niya.
“Ano ba?! Get out!” sigaw niya rito.
“Get out ka diyan eh hindi mo pa nga ako pinapasok. Open the door!” utos naman ni JM sa nakatatandang kapatid.
“Edi, get lost! Leave me alone! Magsama kayo ni Jake!” May hinuha siyang naikuwento na rito ni Jake ang dilemma niya kagabi.
Katahimikan. Siguro, umalis na ito. Salamat naman.
“It’s about Ching! Emergency!” tili ni JM mula sa labas ng kuwarto.
Napabalikwas siya ng bangon, hindi ininda ang sakit ng ulo at binuksan ang pinto ng kuwarto niya.
“Anong nangyari?!” nagpapanic niyang tanong sa kapatid. Bakas sa mukha nito ang sobrang pag-aalala.
Tinitigan siya ni JM, mga sampung segundo pagkatapos ay bumunghalit ng tawa.
“What now?!” naiinis na siya sa kapatid, pinagti-tripan na naman siya nito.
“In love ka nga! Truly, madly, deeply.”
Bago pa siya muling masaraduhan ng pinto ay dali dali ng pumasok si JM sa loob ng kuwarto ni John at prenteng umupo sa kama nito. “Ano ba yan!? Ang baho! Amoy alak na naman itong kuwarto mo!” sermon niya sa kanyang kuya.
“Lumayas ka rito, para wala kang maamoy,” pagtataboy namang muli ni John sa kapatid.
“Nope! Hanggat hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin,”
“Spill it! Pakibilisan, inaantok pa ako,”pero parang hindi naman siya interesadong makinig dito. Mas interesado siyang matulog ulit.
“Vince may be her first love, but it is not meant to last because she’s already in love with someone else.  You heard me right me right, Kuya,  may iba ng laman ang puso ni Ching,”pahayag ni JM.
“I don’t care,” Kung ibang lalaki man ang gusto nito maliban kay Vince ay wala naman na siyang magagawa roon. Basted na siya. More than a month now at unti unti na niyang tinatanggap iyon.
“Ikaw yun, tange!” sigaw sa kanya ng nakakabatang kapatid na sobra talaga ang kulit.
“Hindi daw..” of course, he won’t believe it. Sinabi na nga sa kanya ng harap harapan eh.
“Naniwala ka naman? Na stress lang yun si Ching kasi ibang iba ang buhay rito sa Maynila kumpara sa buhay niya sa probinsiya,” paliwanag ni JM sa kapatid.
“Paano mo naman nalaman iyan? Konsensiya ka ba niya?”
“I have my ways!” kinindatan pa nito ang kapatid. At may dinukot  mula sa bulsa ng kanyang short na kapirasong papel. Inabot niya ito sa kapatid, “Address niya yan. Puntahan mo na and try to live on her way of life para maintindihan mo siya,” masaya nitong payo sa kapatid.
Tila nabuhayan si John ng pag-asa sa mga sinabi ng kapatid. He doesn’t have the right to give-up now, there’s still hope his love.
“Minsan pala nagiging anghel din ang isang katulad mo,” komento ni John. He didn’t think na ang sariling kapatid pala ang makakatulong sa problemang pang puso niya.
“Naman! Magkapatid tayo eh!” Lumabas na ito ng kuwarto, “Ang baho mo! Maligo ka na! Alas- sais ang last trip ng bus!”
-------------------------------------------

After four years…..

“Babe! I’m home!” tawag ni John sa maybahay na niyang si Ching.
Lumabas siya ng kusina at masayang sinalubong ang asawa, “Ang aga mo ngayon ah. Nag-half day ka?” tanong nito sa mahal na esposo.
“Oo. “Di ba, it’s our wedding anniversary? I won’t miss a chance para mas mahaba ang oras na ma-celebrate natin ‘to. May mahalaga lang akong tinapos sa opisina,” sabay abot ng isang bouquet sa asawa.
Na-touch naman si Ching sa gesture ng asawa. Kahit eto siya ngayon at malaki na ang tiyan, hindi nagbabago ang pagtrato nito sa kanya, she’s still the most beautiful girl in his eyes, his princess and the love of his life. And as every days are passing by, mas minamahal siya ng asawa at ganun din naman siya dito.
“Naalala ko pa yung araw na kumatok ka sa pintuan ng bahay namin, Babe. Ang sabi ko sa sarili ko nun, makita lang kitang nakatayo doon, pakakasalan na kita. Na handa akong harapin ang klase ng buhay na meron ka basta magkasama lang tayo,” naluluhang pag-alala ni Ching sa nakaraan.
“And I also promised to myself, makasama lang kita uli, hinding hindi na kita pakakawalan. I may not be your first love but I will assure you that I’m going to be the last.”
Pinanindigan naman nila pareho ang kani-kanilang mga pangako sa isa’t isa kaya eto, simple ngunit masaya silang namumuhay kapiling ang isa’t isa.

Thanks to JM and that is yours truly.
Thanks for reading the love story of my big brother John and sister-in-law Ching!
I just love sharing it with you. Til next time! : )

No comments:

Post a Comment

:)